ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pagtataray ni Jackie Rice sa isang ginang, inakala ng ilang netizen na totoo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging usap-usapan sa social media ang Kapuso actress na si Jackie Rice dahil sa pagkalat sa internet ng video na nakikitang nagagalit siya sa isang matandang babae. Pero ang 'di batid ng marami, ang video ay bahagi ng isang social experiment para sa isang Kapuso show.

Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, ipinakita ang bahagi ng video na humihingi ng paumanhin at nakikiusap ang isang umiiyak na ginang kay Jackie na itigil ang pagsigaw sa kaniya.

Pero si Jackie patuloy pa rin ang pagtataray dahil sa ginawang pagpapakuha sa kaniya ng larawan.

 

Subalit bago dumagdag sa mga nainis kay Jackie, ang naturang eksena na umani ng iba't ibang reaksyon sa netizens ay bahagi ng isang social experiment para sa Kapuso show na "Wish Ko Lang."

Ginawa ni Jackie ang kunwaring magtataray para malaman kung mayroong good samaritan na mamamagitan upang tulungan ang ginang.

Magtagumpay naman kaya si Jackie?  Panoorin ang Wish Ko Lang tuwing Sabado. -- FRJ, GMA News