ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

WATCH:  Sagupaan ng 'Batang Quiapo' vs 'Batang Intramuros'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Perwisyo sa mga motorista ang sitwasyon sa Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado ng kaninang madaling araw nang magbatuhan ang dalawang grupo ng kabataan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali, sinabing naaktuhan ng GMA News ang mga batang mistulang naghahari-harian sa gitna at itaas ng tulay.

May bitbit na mga bote na ibinabato ang mga kabataan na tinatayang nasa 10 hanggang 13 ang edad.



Nagpakilala ang mga ito na "Batang Quiapo" na regular na tumatambay sa tulay. Ang mga "Batang Intramuros" daw ang unang nambato sa kanila.

Mabilis na nagtakbuhan at nagsitago ang dalawang grupo pagdating ng mga pulis.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente. -- FRJ, GMA News

Tags: rumble