ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gardo Versoza no plans of getting married, prefers a partner for life


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Siyam na taon na raw magkasama sina Gardo Versoza at ang partner na si Ivy Vicencio. Magpapakasal ba sila?

“...Na-eksplika ko naman sa kanya at tanggap naman niya...Thankful naman ako dahil naintindihan naman niya. Basta, sa ngayon, kamukha ng sinasabi ng iba na kapirasong papel lang 'yun.  Kung hindi naman nagwu-work yung ano [relasyon] ninyo, balewala rin.”

May trauma, takot o phobia ba siya sa kasal?

“Hindi. Parang ang nakikita ko lang sa kasal, parang, my opinion kumbaga, may feeling of ownership, e.

"'Pag sinabing kasal parang antimano literal na nakatali. Unlike yung ano ['di kasal], may leeway ka, may freedom ka.”

“Kumbaga, 'pag kasi sinabi mong asawa mo na kaagad, ah, asawa ko na 'yan, e.  May gano'ng feeling. Pag kasi partner, like for me, mas nami-maintain yung fire and then mas hindi nawawala yung kulay...or kung paano ninyo iha-handle yung relationship ninyo.”

"Like yung sa posibleng maghiwalay, ayun, nakakatakot.  Kasi  kung pinagbuklod na kayo, may basbas ng pari at blessing ni Lord, parang mahirap for me. Nakapangako ka na through thick and thin... 'tapos all of sudden babakliin mo yun."

"So you might as well, pagbutihin niyo na lang yung pagiging mag-partners ninyo. Parang binibitbit niyo parehas pataas yung isa’t-isa.” PEP.Ph

Tags: gardoversoza