Will Vic Sotto propose to Pauleen Luna anytime soon?
Sa kabila ng kabi-kabilang pagdududa, napanataling matatag nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang relasyon bilang magkasintahan sa loob ng halos tatlong taon.
Kaya naman matapos ang nagdaang celebrity wedding proposals ngayong taon, marami tuloy ang nagtatanong kung susunod na ba sina Vic at Pauleen sa darating na 2015.
Ayon kay Bossing, “Palagi ko namang sinasabi na kaya kayo nagkakaroon ng relasyon kasi meron kayong gustong patunguhan. Hindi naman, sa edad kong ito, makikipaglaro-laro pa ako.”
Dagdag pa niya, si Pauleen na raw ang ideal partner para sa kanya. “Ideal partner, lahat na ng ideal na pwede mong i-describe, siya na 'yun.”
Sa ngayon, hindi pa raw sigurado ang proposal, ngunit umaasa si Bossing na kung may magbabago man sa pagitan nila ng kasintahan, ito ay maging 'for the better.'
Gayundin ang nararamdaman ni Pauleen, na aminadong swak ang ugali nila ni Vic kaya nagtagal ang kanilang relasyon.
“Match 'yung personalities namin. Effortless ang pagintindi sa isa't isa. And I think that's a very important detail pagdating sa magkarelasyon,” aniya.
Samantala, suportado naman ang relasyon na ito ng child star na si Ryzza Mae Dizon, na close na close sa dalawa. Aniya, nais niya na nga raw magpakasal ang mga ito.
Dagdag pa niya, nasabihan na raw siya ni Pauleen na maging flower girl sa kasal. Ngunit nang tanungon kung paano sinabi ni Pauleen, ayon kay Aling Maliit, "Secret! Bawal 'yon." — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News