ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kuwebang pinagtaguan ng mga tao noong WW II sa Abra, panghalina sa mga turista
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagmamalaki ngayon ng mga residente sa San Juan, Abra ang Angib cave na pinapaganda pa ng lokal na pamahalaan para puntahan ng mga turista.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing pagtapak pa lang sa bunganga ng kuweba ay mararamdaman na kaagad ang biglang paglamig ng temperatura.
Sasalubong din sa mga bisita ang iba't ibang rock formations at mga daanang kumikinang dahil sa mga maliliit na crystal.
Matarik ang daanan ng kuweba na tinatayang nasa 500 metro ang haba.
Ayon sa City Tourism Office, nagsilbi raw ang kuweba na taguan ng mga tao noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa ngayon, pinapaganda ng lokal na pamahalaan ang naturang kuweba para mas marami pa ang bumisita rito. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular