ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nagtago sa imburnal: Suspek sa pamamaril sa hairstylist at taxi driver, nahuli na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahuli sa loob ng isang imburnal ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang manager ng parlor at isang taxi driver sa Quezon City noong Miyerkules.  

Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabing naaresto ang suspek na Larry Benuya, sa isang imburnal sa isang subdibisyon brangay Greater Lagro, Quezon City.

Sinasabing residente ng Talavera, Nueva Ecija si Benuya.

Si Benuya ang itinuturong bumaril sa isang hair salon manager at isang taxi driver noong Miyerkules.



Kinilala ng mga tauhan sa parlor na si Benuya ang siyang bumaril sa unang biktima na si Jake Gasper.

Tila inabangan umano ni Benuya ang pagdating sa parlor ni Gasper. Bago ang pamamaril, nagpalinis muna ng kuko at nagpapa-foot spa ang suspek.

Matapos na barilin si Gasper, lumabas ito ng kalsada at pinara ang taxi na minamaneho ni Norberto Espiritu Jr.

Nang hindi siya pasakayin ni Espiritu, binaril din niya ito at napatay.
 
Patuloy ang pa imbestigasyon ng pulisya sa pagkatao ni Benuya, at kung ano ang motibo nito sa pagpatay sa mga biktima.

Pero sa inisyal na impormasyon, sinabi ni QCPD Director Sr. Supt Joel Pagdilao, umamin daw ang suspek na miyembro siya ng hit squad na Alex Boncayao Brigade.

Gayunman, itinanggi ng suspek na siya ang bumaril sa mga biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: crime