ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3-anyos na babae, inabuso umano ng sariling ama sa Camarines Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang tatlong-taong-gulang na babae sa Naga City, Camarines Sur ang pinagsamantalahan umano ng sarili niyang ama.
 
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing hindi napigilan ng ina ng bata ang sama ng loob nang makita niya ang dating kinakasama sa loob ng piitan.



Nakakulong ang suspek sa Naga City Police station matapos ireklamo ng pang-aabuso sa kaniyang anak.

Nagkwento raw ang bata tungkol sa ginagawang panghahalay sa kaniya nang tanungin ito kung bakit hirap siya sa pag-ihi.

Napag-alaman na hiwalay na ang mag-asawa pero madalas daw magpunta ang bata sa bahay ng ama, ayon sa lola ng biktima.

Gayunman, mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya.

Samantala, isinampa na sa korte ang kaso laban sa isang lalaki na umano'y gumahasa sa magkapatid na babaeng menor de edad sa Pili, Camarnies Sur.

Nahain ang kampo ng suspek ng "not guilty plea" sa korte.

Inirekomenda ng korte na isailalim sa psychiatric evaluation ang akusado. -- FRJ, GMA News