ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aljur Abrenica hints at GMA return
By ARNIEL C. SERATO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang ilang buwang pagiging mailap sa publiko, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica sa Music Museum, sa Greenhills, San Juan City, Miyerkules ng kagabi, November 26.
Nagkataon kasing guest si Aljur sa concert ng isa sa mga Himig Handog interpreter at singer na si Michael Pangilinan, ang Michaelabot ng mga Kolehiyala.
“Maayos naman,” bungad niya nang kumustahin namin siya.
Ngayong hindi siya visible sa telebisyon at kadalasan ay out-of-town shows ang pinagkakaabalahan niya, kumusta naman kaya ang pagtanggap ng mga tao sa kanya?
Tugon ni Aljur, “Okay naman.
"I feel blessed kasi marami akong nakikilalang mga tao. Bagong kaibigan, lalung-lalo na sa bandang Visayas, Mindanao.
“May mga itinuring akong pamilya, 'tulad sa Sultan Kudarat, so I’m very blessed.
"And I got the chance to spend more time with my family, especially with my mom.
"'Pag nag-out of town ako, kasama ko siya."
Bukod sa mga raket sa probinsiya, isa raw sa mga pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kanilang entertainment lounge at resort sa Batangas City.
Dagdag pa niya, “Meron kaming dalawang swimming pools. May restaurant.
"Ngayon, may opportunity ako na maasikaso siya.
"As much as possible, if a find a chance, pupunta ako, tinutulungan ko si Daddy na mag-entertain ng mga tao."
Going back to the core
Matatandaang nitong Hulyo 2014 ay naghain ng reklamo si Aljur laban sa kanyang home network, ang GMA, upang ipawalang-bisa ang kanyang kontrata na magtatapos sa 2017 pa.
Pero hanggang ngayon, wala pa ring balita kung ano na ang estado ng reklamong kanyang inihain.
Kumusta na siya ngayon?
Nakangiting sagot ni Aljur, “Oo nga, maraming nagtatanong.
"Right now, I feel blessed despite of that circumstances na dumating.
"Kasi laging plus or minus ‘yan, pros and cons ‘di ba? Yung process?
“I got the chance to cope up with my family.
“Yun, family. I get to know more my mom, my siblings...
"Ang hirap, kasi before, parang... 'di naman mahirap, pero siguro way na rin ‘to ng tadhana para makilala ko ulit yung mga kapatid ko.
“Hindi ko namalayan, may college na pala akong kapatid.
"So, I’m learning a lot, especially yung how to value yung core, yung sinimulan mo, like my family.
“And yung bumalik ka sa pinanggalingan mo and makita ulit yung mga dahilan kung bakit ka ngayon nandito sa kinakatayuan mo, which is family talaga.
"Family and old friends."
Nagsisi ba siya sa naging hakbang niya? Ano ang realizations niya pagkatapos maghain ng reklamo sa GMA?
Tugon ng 25-year-old actor-singer, “As a man, sometimes hindi ka tao kasi kung… hindi ka tao kung hindi tayo nagkakamali.
"And, yes, meron akong pagsisisi and meron din akong pagpapasalamat.
"Pero on the other side, as a whole, mas nagpapasalamat ako na nangyari ‘to.
“I got the chance to be in the field kung saan mas importante.”
Tuloy ang kaso?
Ayon kay Aljur, "Ang kaso lang naman, e, yung lagi kong sinasabi, hindi ko naman ‘yan isinampa para makipag-away.
"Isinampa ko ‘yan para marinig lang ako. Marinig lang ako. At bilang talent nila."
Ongoing case
Nitong nakaraang buwan, may mga naglabasang balita na diumano’y iuurong na ng kampo ni Aljur ang reklamo laban sa GMA. Pero kaagad din itong pinabulaanan ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.
Wala ba talagang katotohanan ang balitang ito?
Seryosong tugon ni Aljur, “Hindi pa siya totally nauurong... hindi na magtatagal ‘yan, oo.”
Ano ang ibig niyang sabihin na "hindi magtatagal"? May usapin na ba ng out-of-court settlement?
Saad niya, “Siguro, for now, yun na muna ang masasabi ko, just wait na lang kung ano, kasi… for further na mangyayari .
"Kasi ngayon, medyo critical pa siya.
“In time, yun yung ipinagpapasalamat ko sa GMA, sa kabila ng lahat is 'andiyan pa rin sila for me.
"They keep on sending me schedules, trabaho. Hindi nila ako pinabayaan.
“So, ayun, meron lang akong munting kahilingan na mapagbigyan man o hindi, sana maayos din lahat.
"Hanggang dun na muna po.
"Sa kaso, kagaya ng sinabi ko, matatapos din ‘yan, pero hanggang dun muna." — PEP
Tags: aljurabrenica
More Videos
Most Popular