ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Umali reacts to being called the next Marian Rivera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami ang nagsasabing isa si Bianca Umali sa maaaring sumunod sa mga yapak ni Marian Rivera. 
 
Maganda, marunong umarte at sumayaw, at sa edad na 14 anyos ay kinakikitaan na ng potensyal si Bianca na maaaring humalili sa trono ng Primetime Queen in the near future. 
 
Ano ang masasabi ni Bianca tungkol dito? 
 
“Ahm, unang-una po, very ano e, overwhelming po kasi iyon nga po, maliban nga po dun sa sinasabi n'yo na isa po ako sa kinu-consider as the next Marian..."
 
"E, parang ano po e, maliban po sa medyo may pressure, ang sarap po ng feeling na ganun po yung expectation nila sa akin. Na mala-Marian Rivera po yung level,” mapagkumbaba niyang pahayag.
 
May paghahanda ba siyang ginagawa para maibigay niya ang inaasahan sa kanya ng publiko? 
 
“Well, actually, as of now po, wala po akong masyadong preparation. As long as masaya lang po ako sa ginagawa ko and siguro po, very thankful po na they see me as the next Marian.”
 
“Pero somehow, gusto ko rin pong magkaroon ng sarili kong title, kumbaga, as ako po, yung wala pong sinusundan na footsteps.” 
 
Si Marian ay nag-Dyesebel dati. Kung bibigyan ng pagkakaton ay kaya rin daw gawin iyon ni Bianca. 
 
Aniya, “Opo, for work po, yes.” 
 
Naging FHM cover girl rin si Marian. Pagdating niya sa tamang edad, kaya bang gawin ito ni Bianca? 
 
“Iyon po ang hindi ko po alam pa,” at natawa si Bianca.
 
Mapapanood si Bianca sa Once Upon A Kiss simula January 5 pagkatapos ng 24 Oras. Makakasama niya rito si Miguel Tanfelix, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. 
 
Nasa programa rin sina Manilyn Reynes, Michael de Mesa, Gabby Eigenmann, Nova Villa, Keempee de Leon, Tessie Tomas, Al Tantay, Maricar de Mesa, Cris Villanueva, Frank Magalona, Betong Sumaya, Eunice Lagusad, Miggy Jimenez, Cai Cortez, Sabrina Man, Mariel Pamintuan, at si Mylene Dizon. — PEP

For the full story, visit PEP