OFW finds true love in Abu Dhabi
Sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya sa mas nakatatandang babaeng minamahal na natagpuan niya sa Abu Dhabi, ipinaglaban ni Ramon dela Cruz Jr. ang kanyang pagmamahal. Subaybayan natin ang kanyang makulay na kwento: Dear GMA, Isang magandang araw po ang aking pagbati ! Sa simula po nang mag-launch ang GMA Pinoy TV dito sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, ako ang unang customer na nakapag subscribe. And i was so thankful dahil nariyan kayong mga KAPUSO, na lagi kong napapanood. Lagi akong updated sa mga current news na nagagaganap sa ating bansa. Maraming, maraming salamat po ! Well, let me start my simple story. I came to the United Arab Emirates in 1998. Dinala ako ng aking kapatid dito sa dahilang naipasok niya ako sa isang Supermarket bilang Counter Sales Staff. Pagkalipas ng halos dalawang taon, ako ay nagkaroon ng relasyon sa isang babae who is older than me, at meron na rin siyang anak. But then, itinuloy ko pa rin ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Believe me or not, I was only 27 and she was 48 that time. Sabi nga nila, "AGE doesn't matter." Lubhang ikinagalit ito ng mga kapatid ko, gayun din ng aking ama. Sa sobrang galit nila sa akin, lahat ng sumbat ay sinalo ko mula sa maiinit nilang bibig. Sinabi nilang, "ano ba naman ang ginawa mo, nakatapos ka pa man din ng KOLEHIYO, naturingan ka pa namang SCHOLAR, tapos dâyan mo lang sisirain ang buhay mo ' ... ang mag-asawa ng matanda na, may anak pa. Sa kagustuhan kong panindigan ang buhay na pinasok ko, labag man sa kalooban ng mga kapatid ko, pinanindigan ko ito. Umuwi kami ng Pilipinas at nagpakasal kami. Nag resigne ako sa aking pinapasukan. Muli ay bumalik ako ng Abu Dhabi, kung saan ay nagtrabaho ako bilang isang Chief Cook sa isang famous Restaurant. Ilang buwan ang lumipas ay muli akong humanap ng ibang trabaho na maaaring magbigay sa akin ng EMPLOYMENT VISA. Dahil na rin sa laki ng gastos sa pakikipagsapalaran dito sa abroad, minabuti kong lulukin ang aking Pride. Inisip ko na trabaho ang ipinunta ko dito para sa aking pamilya. Nagtrabaho ako bilang isang Security Guard sa isang kilalang Mall dito sa Abu Dhabi, at habang naka-duty ako, nagagawa ko pa ring magtinda sa mga kapwa ko kababayan ng mga lutong pagkain. Sa gabi naman ay nag de-deliver ako ng mga tocino, longganiza, embotido at iba pang frozen goods na kaming mag-asawa ang gumagawa. Sinikap kong mag-aral muli ng computer course tuwing day-off ko, at sa tulong ng Philippine Embassy - Abu Dhabi, UAE, muli ay natapos ko ang dalawang kurso --ICDL, Graphics and Web Design. I really thank GOD sa lakas na ibinibigay niya sa akin. Sinabi ko sa aking sarili, "Kung produkto man ako ng broken family" ayokong danasin ito ng pamilya ko ngayon." I'm a family devoted. I was so inspired with my wife and my instant son. And as times passed, I was promoted from ordinary guard to Security Manager. Hindi biro ang hirap na dinanas ko. At sa pagnanasang makaahon sa buhay, naging matiyaga ako at naging buo ang determinasyon. Sa ngayon ay nagta-trabaho na ako sa isang private company as Executive Secretary, na di hamak mas-maganda ang kinikita kaysa sa dati. Nagkaroon ako ng mga paupahan dito sa Abu Dhabi, para sa mga kapwa nating OFW. Patuloy na nagke-cater sa kanila ng lutong pagkain, at tumutulong sa mga nagnanais pumunta dito sa UAE at makahanap ng trabaho. Binansagan na nga nila akong "The CV Maker" kasi laging ako na lang ang gumagawa ng resume ng mga kababayan nating (may) VISIT VISA dito. Ngayon, i am so happy with my wife and my son. Nakapagpatayo na kami ng sarili naming bahay. At ang masasabi ko lang, "SUCCESS is not in never falling, BUT in rising every time we fall." Nawa'y kapulutan ito ng aral ng bawat OFW. Huwag maging hadlang ang anumang pagsubok na daranasin natin patungo sa buhay na tatahakin. Maging matatag ka at manalig ka lang sa KANYA. â Ramon dela Cruz Jr.