ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Davao City at Zamboanga City, lumagda sa kasunduan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lumagda sa kasunduan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Davao City at Zamboanga City para patatagin ang ugnayan at seguridad ng dalawang lungsod.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing pinangunahan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar, ang pagpirma sa kasunduan.

Kasama sa layunin ng kasunduan ang pagsasagawa ng mga proyekto sa kani-kanilang nasasakupan.

Isa na rito ang pagtatatag ng Central 9-1-1 Command Rescue Center ng Zamboanga City na ipinatutupad na ngayon sa Davao City.

Huli sa droga

Samantala, dalawang babaeng tulak umano ng droga ang nadakip sa buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Davao City.

Nakuha sa dalawang babae ang ilang pakete na may laman na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek.

Pero itinanggi ng mga suspek ang paratang at iginiit nadamay lang sila sa operasyon.

Hinahanap ngayon ng pulisya ang isa pa umanong tulak ng droga na kasabwat ng mga nadakip na suspek. -- FRJ, GMA News