Vice Ganda on rumored 'war' with Kris: 'Kaninong adik galing 'yang issue?'
Pinabulaanan ni Vice Ganda na may “war” na namamagitan sa kanila ng matalik niyang kaibigan na si Kris Aquino.
Habang nasa Amerika si Vice for a series of shows, saka naman pumutok ang isyung may samaan sila ng loob ni Kris.
Ayon sa mga balitang lumabas, ang pinag-ugatan diumano ng tampuhan ng dalawa ay dahil sa blog at signature shirts na idea ni Vice, pero inunahan daw siya ni Kris na gawin ito.
Nakabalik na ng Pilipinas si Vice, at nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, April 16, ang tungkol sa alitan diumano nila ni Kris ang una naming inusisa sa kanya.
Saad ng comedian-TV host, “Alam mo, hindi namin alam kung kaninong addict nanggaling ‘yan.
“Tinanong nga ako, ‘Oy, may issue sa iyo, ganyan, ganyan, ano sasabihin ko?’
“Sabi ko, ‘Tanong mo na lang kung kaninong addict nanggaling ‘yang issue na 'yan, hashtag shabu pa more!’”
Ayon pa kay Vice, “Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang.
“Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt… ano kami, mga bata?
“We share everything. Kris and I, we share everything.” -- PEP
For the full story, visit PEP.