ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ghost tours at mga tunay na katatakutan sa Baguio City, hihimayin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.




BRIGADA
May 26, 2015
8 pm sa GMA News TV
 
HORRORS OF BAGUIO
 
Kahit malayo pa ang Halloween, patok na atraksyon ngayon sa summer capital ng bansa ang tinaguriang Pine City Fright Tours. Tampok ng tour na ito ang mga lugar sa Baguio na hindi lang may mayamang kasaysayan kundi may nakakikilabot ding mga kuwento. Ang kakaibang tour na ito, inaasahang makakahatak ng dagdag na mga turistang bumibisita sa Baguio. Subalit paalala ng ilan, may iba pang mga isyu sa Baguio na mas dapat katakutan at bigyan ng pansin. Partikular ang tila patuloy na lumalaking bilang ng mga dumarayo’t residente rito pati na ang kaakibat nitong epekto sa kalikasan tulad na lang ng planong pagpapatayo ng isang parking facility sa mismong Burnham Park. Siniyasat nina Mav Gonzales at Tricia Zafra ang mga isyung ito.




 
WEST VALLEY FAULT
 
Bunsod ng malakas na lindol na tumama sa Nepal kamakailan lang, hindi maiwasang mangamba ng ilan nating mga kababayan sa posibleng pagtama rin ng isang kasing lakas na lindol dito sa ating bansa. Para makatulong din sa paghahanda sa nagbabadyang mapaminsalang trahedya, naglabas ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng isang detalyadong mapa ng maaapektuhan ng West Valley Fault System---ang isa sa mga pinakaaktibong fault line sa Pilipinas na tumatawid pa man din sa mga matataong lugar at residential areas sa Kamaynilaan. Inalam ni John Consulta ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan maging ng mga mamamayang nakatira mismo sa ibabaw ng West Valley Fault.
 
Abangan ang mga istoryang binantayan ng ating mga ka-Brigada ngayong Martes, Mayo 26, 8 PM sa GMA News TV.