ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

James at Bimby, masayang nagkita 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang araw matapos ihayag ni Kris Aquino na may tampo ang anak na si Bimby sa amang si James Yap, nagkita ang mag-ama at masayang kumain sa labas.

Sa posts nina James at Kris sa kanilang Instagram accounts, makikitang nakayakap ang bata sa kanyang amang basketbolista.

Mula sa Instagram accounts nina James Yap at Kris Aquino

Ayon sa PEP, mukhang naayos na ang tampuhan sa pagitan ng mag-ama. "Nagkasama na kasi ang dalawa ngayong araw, June 17, para sa isang advance Father’s Day bonding."
 
Unang ibinahagi ni James sa kanyang Instagram account ang larawan nilang mag-ama na tila naglalaro habang nagmi-merienda.
 
Sabi ni James sa caption: “Advanced father's day bonding with Bimb. #happy #proudpapa”

Read more sa PEP
 
Tags: jamesyap