ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jonalyn Viray, buwis-buhay ang performance sa 'Eat Bulaga'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya si Jonalyn Viray sa pagkapanalo niya sa "Regine Pa-more" segment ng Eat Bulaga noong Sabado. Kasabay nito, inamin ng Kapuso singer na hindi naging madali ang pagkanta niya habang nasa ere dahil sa harness na ikinabit sa kaniya.

Sa programang Unang Hirit ng GMA News, muling ipinamalas ni Jonalyn ang galing niya sa pag-awit.



Aminado si Jonalyn na nahirapan siya sa kaniyang performance sa Eat Bulaga nang naka-harness dahil naiipit nito ang tiyan habang kumakanta at masakit din daw sa singit.

"Mahirap po kasi 'pag pull sa'yo pataas, yung tiyan mo naiipit din... at the same time masakit po sa singit," natatawa niyang kuwento.

At dahil umiikot siya sa ere habang inaabot ang high notes ng kanta ni Regine Velasquez, sinabi ni Jonalyn na hindi naiwasan na mahilo siya.

"Nahilo rin po ako diyan kaya pagbagsak ko, napahiga na lang ako," dagdag ni Jonalyn. -- FRJ, GMA News