ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Singaporean vessel, sumadsad sa baybayin ng Ilocos Sur
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dahil sa malakas na alon, sumadsad sa marine sanctuary sa karagatang bahagi ng Santa, Ilocos Sur ang isang Singaporean cargo vessel.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing may kargang nickel ore ang Singaporean cargo vessel na MV/Alam Manis.
Ayon sa Philippine Coast Guard, unang nagkaaberya at tumagilid ang barko sa may dagat na sakop ng Luna, La Union.
Pero dahil sa malakas na alon sa dagat, napadpad ito sa norte hanggang sumadsad sa Ilocos Sur.
May 21 tripulante na sakay ang barko at isa sa kanila ang napaulat na namatay matapos daw atakihin sa puso sa gitna ng insidente.
Nangangamba naman ang mga residente sa bayan ng Santa na baka maapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa sumadsad na barko. -- FRJ, GMA News
Tags: vessel
More Videos
Most Popular