ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ruru Madrid plans to woo Gabbi Garcia the old-fashioned way
By ROSE GARCIA, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Consistent sa mga sagot ang Kapuso star at male lead ng primetime series na Let The Love Begin na si Ruru Madrid na wala pa talaga silang relasyon ng ka-love team na si Gabbi Garcia.
Ito ay sa kabila ng naging pahayag niya noon na talagang espesyal sa kanya ang dalagita.
Hindi pa rin daw siya nanliligaw, pero ayon kay Gabbi, “generous” daw si Ruru at wala pang pagkakataon na magkasama sila na pinagbayad daw siya nito.
Hindi pa ba panliligaw yun?
Natawa si Ruru habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kamakailan lang at sabi niya, “Ganito lang po talaga 'ko.
“Siguro po hindi ko masabing nanliligaw.
“Pinapakita ko lang yung tunay na kulay ko sa kanya. Talagang ganun po ako—galante at mataas po ang respeto ko sa kanya.”
Naisip tuloy namin kung katulad din ba si Ruru ng ibang mga lalaki na hindi naniniwala sa ligaw.
Pero kinontra niya ito sa pagsasabing naniniwala siya rito.
“Naniniwala po ako sa ligaw kasi iba pa rin po ang tradisyon.
“Iba pa rin po ang old school. Mas maganda po yun. Hindi po katulad ngayon na karamihan po ng kabataan, nagkakagustuhan sa text.
“Parang ako po, mas gusto ko pa rin po yung aakyat ka ng ligaw. Magpapaalam sa magulang, harana,” natawa pa niyang sabi. - PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: rurumadrid, gabbigarcia
More Videos
Most Popular