ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mikoy Morales talks about Willie Revillame’s offer to pay for Thea Tolentino’s car down payment


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala pang direktang pag-amin sina Mikoy Morales at Thea Tolentino tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila, ngunit halata naman sa mga kilos nila na may namamagitan na sa kanila. Kaya naman natanong si Mikoy kung ano ang masasabi niya tungkol sa pangako ni Willie Revillame kay Thea, sa Wowowin, na siya ang magbibigay ng pang-down payment sa kotse ng Kapuso young actress.

Tila naantig ang damdamin ng TV host nang nalaman nito na wala pang sariling sasakyan si Thea at sumasabay lamang sa service vehicle ng GMA kapag may taping.

Ano ang naramdaman ni Mikoy nang nalaman niya ang tungkol sa offer ni Willie kay Thea?

Sagot niya, “Nung unang nalaman ko yun, parang hindi ko alam kung paano ako magre-react kasi parang ang surreal. I mean, surreal, kasi ang laking pera, bibigyan siya. Pangalawa, si Willie Revillame ang nag-offer, and parang bihira yung ganun, or parang... sorry, iba yung ganun.”

Na-offend ba si Mikoy?

“Hindi. Ako, personally, hindi.”

Nagselos ba siya?

“Nagselos? Hindi rin, lalong hindi.

“Kaya surreal kasi naging concern ko kung paano niya [Thea] iha-handle. I mean, kung paano niya haharapin yung ganung issue. Kasi nasa pasimula pa lang siya ng career niya, so parang ano ang magiging epekto nito sa career niya? Ano ang magiging epekto nito sa kanya as a person, sa family niya. So, mas naging concerned ako na parang how will her parents take it. Mas naisip ko yung ganun.”

Hindi raw alam ni Mikoy kung naibigay na ni Willie kay Thea ang pang-down payment sa kotse.

Hindi ikinukuwento ni Thea sa kanya?

“We just don’t talk about it. May certain feeling na bothered, siyempre kasi hindi araw-araw nangyayari sa iyo yung ganung situation. And regardless of the intention or nung pinanggalingan nung issue, maaapektuhan pa rin ako kasi malapit sa akin si Thea.”

Image

Hindi ba hiningi ni Thea ang opinyon niya kung tatanggapin nito ang alok ni Willie o hindi?

Sabi ni Mikoy, “Napag-usapan din namin, na-voice out ko naman yung opinion ko. Nung una, ang sabi ko sa kanya, depende sa kung ano’ng palalabasin nila. Kasi, for me, honestly, I think importante pa rin yung image mo. So, kung may PR stint man silang ginagawa or may plan man sila for publicity, either for Thea or for the show or whatever, basta kung anuman ang gagawin mo, wala kang masasagasaang tao.”

“Tsaka yung image mo, na mag-remain ka na as is, or if ever man, mas ikaganda ng image mo yung mangyayari. Iyon lang talaga ang kinatakutan ko nun, e, baka may masagasaan siyang tao. Baka may madamay na hindi dapat madamay, ‘tsaka 'yang mga ganyang isyu, ang daling ma-misinterpret.”

“Either way, may mangyayari sa iyo, just make sure you’re wise enough to consult with your family. And do it wholeheartedly, kung anuman yung gagawin mo.”

Thea's choice

Sa tingin ba niya ay pinag-isipan nang mabuti ni Thea kung anumang naging desisyon nito?

"Oo. Alam kong pinag-isipan niya nang maigi yun. Hindi ko pa alam kasi kung nakuha niya or something, pero alam ko meron na silang desisyon. And I don’t have the right to tell you guys what her decision is, hindi dapat sa akin manggaling.”

Halimbawa kay Mikoy hihingi ng desisyon si Thea, ano ang sasabihin niya: tanggapin o hindi?

“Ayoko ng ganung pressure kasi career niya yun, e, kung sa akin nangyari, or as a best friend... ano ba? Ako mismo, kung para sa kanya rin lang naman, I mean, ang hirap nun!”

“Kasi kung iisipin ko yung image niya or yung career niya, iba yung magiging sagot ko. Kung iniisip ko rin naman yung para sa akin, iba rin ang magiging sagot ko. Ang daming basehan, e, kaya buti na nga lang hindi sa akin nangyari yun!” at tumawa si Mikoy. - Pep.ph