ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio, certified hunk na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Graduate na sa pagiging tween star at ngayon ay isa na sa mga maituturing certified Kapuso hunk ang ambassador ng National Youth Commission na si Derrick Monasterio.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nagkaroon na ng photoshoot si Derrick para sa isang glossy women's magazine.

Ipinakita ni Derrick sa naturang babasahin na taglay na niya ang katawan ng isang matipunong lalaki.

Ayon sa aktor, maganda ang resulta ng photoshoot dahil may art ito at hindi lang basta pagpapakita ng huwad na katawan.



Nitong nakaraang linggo lang, ipinagdiwang ni Derrick ang kanyang 20th birthday. Kasabay nitong nagdiwang ng kaarawan si Barbie Forteza dahil magkasunod lang ang araw ng kanilang kaarawan.

Bukod sa showbiz commitment, aktibo rin si Derrick sa kanyang tungkulin bilang ambassador ng National Youth Commission.

Kamakailan lang, nagsalita siya sa mga estudyante sa isang high school sa San Jose del Monte, Bulacan, kung saan binigyan-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon.

Naging bahagi rin siya ng pagdiriwang ng International Youth Day kaya naman ipinagmamalaki siya ni NYC Commissioner Dingdong Dantes, na itinuturing niyang kuya.

"Now we are readdressing  yung kanyang commitment sa NYC as our Youth Ambassador for Education also," ani Dingdong.

Pahayag naman ni Derrick, "Nagpapasalamat ako kay kuya Dong siyempre, kasi isa siya sa mga talagang pumili sa akin... actually siya yung role model ko talaga." -- FRJ, GMA News