ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rocco Nacino says Alden Richards's popularity now is well-deserved


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa pa sa masaya para sa tinatamasang popularidad ngayon ni Alden Richards ay si Rocco Nacino.

Sa mga hindi nakakaalam, magka-batch sina Rocco at Alden sa Batch 5 ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck noong 2010.

Si Rocco ay nakaabot sa Final 14 at itinanghal na Second Prince o second runner-up; habang si Alden naman ay hanggang sa Top 60 lamang ang inabot.

Ayon kay Rocco, “We’re under the same handler kaya lagi kong nakukumusta si Alden, 'Is he doing good, kumusta yung mga projects?'

“So, may level of closeness din kami.”

Ano ang isinasagot sa kanya ni Alden?

“Nagpapasalamat siya, sinasabi ko sa kanya, ‘You’re everywhere!’”

Naniniwala si Rocco na well-deserved ni Alden ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon, na nag-ugat sa tambalan nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza—ang AlDub.

"Of course, of course!" bulalas ng Kapuso actor.

"I’m just happy na tuwing binubuksan ko yung Instagram and Twitter ko, ‘Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo!’

“In a good way, ha, in a good way...

"I’m sure nag-e-enjoy po siya sa posisyon niya ngayon.

"And kampante ako na hina-handle niya nang maayos ito.

“He’s very smart when it comes to his finances and yung image niya, paano niya inaalagaan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa press launch ng StarStruck Season 6, noong August 31, sa GMA Network Center. -- For the full story, visit PEP.