Eat Bulaga Dabarkads, ibabahagi ang kanilang 'Tunay na Buhay'
Ang "Tunay na Buhay" nina Jose Manalo at Wally Bayola

Laking Tondo, nakilala natin si Ariel Manalo bilang si "Jose". Aminadong hirap sa buhay noon, pinasok na raw niya ang iba't ibang trabaho, gaya ng production assistant, floor director, at maging ang pagiging payaso. Si Walter James Bayola o mas kilala natin bilang si Wally Bayola ay Tubong-Naga City, at lumaki siya sa pangangalaga ng tiyuhing pari. Sinong mag-aakalang magiging matagumpay siya sa larangan ng pagpapatawa?
Alamin ang kuwento ng saya at luha nina Lola Nidora at Tinidora na sina Wally Bayola and Jose Manalo dito lamang sa Tunay na Buhay!
Ang "Tunay na Buhay" ni Ruby Rodriguez
Hebigat ang pangangatawan at siksik ng talento sa pagpapatawa, isa si Ruby Rodriguez sa paboritong Dabarkads sa ‘Eat Bulaga.’ Pero sa kabila ng kaniyang masayahing disposisyon, hinaharap niya ang maraming pagsubok sa buhay gaya ng pagbibigay ng suporta sa bunsong anak na may ADHD. Alamin natin ang kuwento ng buhay ni Ruby Rodriguez, sa Tunay na Buhay.