Maine Mendoza’s many faces before Dubsmash hits and Yaya Dub
Hindi maikakailang hilig talaga ng Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang pagre-record ng mga nakatutuwang video gamit ang iba't ibang mobile app.
Bago pa man siya makilala dahil sa mga trending niyang Dubsmash video, marami nang mobile app ang napagkatuwaan ng 'Eat Bulaga' Dabarkads' at ka-loveteam ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Kalyeserye ng noontime show na 'Eat Bulaga.'
Dalawang taon na ang nakalilipas nang mag-post si Yaya Dub ng YouTube video kung saan makikitang gamit niya ang Sweet Talk mobile app.
Gaya ng mga sumikat niyang Dubsmash video, marami rin ang natutuwa dahil sa flawless na panggagaya niya rito.
Sa kasalukuyan, mayroong higit sa 235,000 views ang naturang video at halos 3,040 likes.
—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News