ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Magazine with cover boy Alden nearly sells out in six days


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May panibagong achievement ang Kapuso heartthrob at Pambansang Bae na si Alden Richards nang halos mag-sold out ang October issue ng isang magazine kung saan siya ang nasa cover.
 
Ayon sa batikang direktor at magazine editor na si Jose Javier Reyes, anim na araw lang ang nakalipas mula nang lumabas sa mga bookstore at magazine stands ang October issue ng Inside Showbiz magazine, ngunit halos maubos na ito ng mga tagahanga ng Eat Bulaga Dabarkads.
 
Makikita sa comments section ng isang Instagram post mula sa naturang magazine na maraming nais bumili ngunit naubusan na sa kani-kanilang mga bookstore.
 
“The Pambansang Bae breaks the record. INSIDE SHOWBIZ Oct issue with Alden on the cover nearly SOLD OUT in 6 days!!” ayon kay Direk Joey.
 
Bukod sa Eat Bulaga at Sunday Pinasaya sa GMA Network, abala rin ngayon si Alden sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2015 entry na 'My Bebe Love' sa ilalim ng direksyon ni Jose Javier Reyes.
 
Kasama sa naturang pelikula sina Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, Bossing Vic Sotto at ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News