ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Libu-libong Ilonggo, nagpakita ng suporta kay Alden Richards sa Kapuso Fans Day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinagsa ng libu-libong Ilonggo ang Kapuso Fans Day sa Iloilo City nitong Biyernes ng hapon para magpakita ng suporta sa Pambansang Bae na si Alden Richards.

Sa mga larawan na ipinost sa Twitter, nakikita ang matinding pagmamahal ng mga Ilonggo kay Alden sa dami ng mga tao na nagtungo sa lugar na pinagdausan ng aktibidad.

Una rito, nagbigay ng abiso ang lokal na pamahalaan sa mga motorista kaugnay sa gagawing pagsasara sa Paseo de Iloilo  dahil inaasahan na dadagsain ang mga tao ang Kapuso Fans Day.

Samantala, nag-post din ng mensahe si Alden sa kaniyang social media account para pasalamatan ang mga tauhan ng paliparan sa "Terminal 2" sa ginawang pag-alalay sa kaniya at mga kasamahang patungo sa Iloilo.

 

 

-- FRJ, GMA News