ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Dating tradisyon ng 'Wish Ko Lang', muling ibabalik
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“Batang Kargador sa Aklan… at Ang Huling Hiling ni Roselyn…
sa Wish Ko Lang!”
Patuloy ang tradisyon ng Wish Ko Lang! sa pagbigay ng pag-asa at pagtupad ng mga pangarap. At ang mga itatampok na mga storya, hindi isasabuhay ng mga artista, ang mga taong mismong lumiham at humiling ang siya ring magbabahagi ng kanilang mga kuwento.
Sa Aklan, makikilala si Kenneth, magsasaka ang kanilang ama at kasa-kasama nila ang kanilang ina sa bahay. Bilang panganay, naisip ni Kenneth na tumulong sa kanyang pamilya kaya naghakot siya ng buhangin at tsaka ito ibebenta. Ang kanyang kita ay nakakabili ng tinapay nilang magkakapatid at kung may sumobra, iniipon niya para makabili ng tsinelas na matagal na niyang inaasam. Mabigat man ang trabaho, hindi niya iniinda kahit pa siya ay may epilepsy.
Habang si Roselyn, mula raw ng bumukod sila ng kanyang mister sa Davao tila naputol na rin ang ugnayan niya sa kanyang pamilya sa Bicol. Lumipas ang dalawang dekada, tila nagsisisi si Roselyn sa kanyang pagtalikod sa mga mahal sa buhay, maski raw kasi noong namatay ang kanyang ina, hindi raw siya nakadalaw. At ngayon, siya naman ang may malubhang karamdaman, malala na ang kanser niya sa suso. May taning na rin ang buhay niya,at bago man lang siya mama-alam, wish niya na makita at makasama raw ang kanyang tatay.
Tunghayan ang mga nakaka-antig na mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr
More Videos
Most Popular