ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine posts Alden’s throwback photo for AlDub’s 20th weeksary


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi nagtagpo ngayong Huwebes sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub para sa kanilang weeksary, ngunit tila nasorpresa pa rin ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart ang Pambansang Bae.
 
Para sa kanilang weeksary, pumunta si Maine sa Broadway dala ang isang basket ng prutas para kay Alden, ngunit pumunta naman ang binata sa barangay upang sorpresahin din sana ang dalaga.
 
Kahit na nagkasalisi sila, hindi pa rin napigilan ang dalawa sa pagpapakilig. Ayon kay Alden, “Hayaan mo na. Kahit naman nasaan tayo, kahit malayo pa, kahit saan man, ang mahalaga nagkakaintindihan ‘yung puso ko at ‘yung puso mo.”
 
Gayunpaman, hindi pa nagtatapos ang sorpresa ni Yaya Dub para sa Pambansang Bae dahil inamin niyang mayroon pa siyang ibang pakay sa Broadway.
 
“Meron pa akong sinadya dito kaya ako nagpunta dito. Papa-autograph sana ako sa ’yo eh," sabi ni Yaya Dub.
 
Nasundan ito ng pagpapakita niya ng throwback photo ni Alden mula sa pagkabata nito, na halatang ikinagulat ng binata.
 
Dagdag pa ni Yaya Dub, “Ang cute-cute mo kaya dito. Isa ‘to sa mga favorite pictures ko sa ’yo. Puwede ba lagyan mo ng dedication sa likod?” 
 
Pabirong sagot naman ni Alden, “Wala ako bukas! 'Di ako papasok para hindi ko mapirmahan.” 
 
Hindi pa nagpaawat si Yaya Dub at nai-post pa ang nasabing larawan sa kaniyang social media account. “Happy 20th weeksary, Alden! Aldub you!” ayon sa Kalyeserye sweetheart. 
 
Makaraan lamang ang tatlong oras, umani agad ng halos 16,000 retweets at higit sa 38,000 likes ang throwback photo ni Alden.
 

 

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News