ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dahil daw sa 'jumper'

9 katao, kabilang ang isang bata, patay sa sunog sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Siyam katao ang kumpirmadong nasawi sa malagim na sunog na tumupok sa may 50 kabahayan sa barangay Damayang Lagi sa Quezon City na nangyari pagsapit ng madaling-araw ng Biyernes.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA's "News TV Live" nitong Biyernes, sinabing kabilang sa mga bangkay na nakuha sa lugar ng sunog ay sanggol na babae na isang-taong-gulang.

Ayon sa mga bumbero, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Kinilala naman ng mga kaanak at kapitbahay ang mga nasawi na sina:

-Glaiza Gomez,
-Apolinar Gomez,
-Omar Gomez,
-Ashley Gomez (1-year-old)
-Joy Bulalacao,
-Elvira Dela Cruz,
-Mary Ann Dela Cruz, at
-Maria Victoria Dela Cruz.

Batay sa tala ng mga awtoridad, nasa 120 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Ilan sa kanila ay pansamantalang tumuloy sa isang seminary house na malapit sa lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat, iligal na koneksiyon ng kuryente o "jumper" ang hinihinalang pinagmulan ng sunog. -- FRJ, GMA News.

Tags: fireincident