ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Patikim na AlDub interview sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa darating na Linggo, December 13, mapapanood sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" (KMJS) ang "kilig pa more" interview sa phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa bahagi ng naturang panayam na ipinasilip sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, inamin ni Maine na para siyang may "sapi" kapag humarap na sa kamera.

"Yes po all out na bigay na bigay," pahayag ng dubsmash queen patungkol sa pag-transform niya at nawawala na ang pagiging mahiyain kapag nasa harap na ng kamera.

"Parang tingin ko po kasi parang ito na po ang chance ko so hindi ko na po iho-hold back ang sarili ko. Parang I need to step out of my comfort zone din po kasi," paliwanag niya.

Pero sa likod ng kamera, natatawang inamin ni Maine na shy type siya at pabebe.

Si Alden naman, nagbiro na hindi niya maidikit ang balikat niya kay Maine na nasa tabi niya nang matanong sila ni Jessica kung kinikilig ba sila kapag magkatabi.

"Hindi ko nga po madikit yung balikat ko sa kanya. Naka-conscious na po ako," anang binata.

Huwag palampasin ang kabuuan ng panayam sa Linggo (Dec. 13) ng gabi sa GMA-7 sa "Kapuso Mo, Jessica Soho." FRJ, GMA News

Tags: aldub