ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto, nagbigay ng ilang detalye sa kasal nila ni Pauleen Luna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa programang CelebriTV nitong Sabado, ibinahagi ni Bossing Vic Sotto kay Ricky Lo ang ilang detalye sa kasal nila ni Pauleen Luna.

Ayon kay Vic, magiging simple at solemn ang kasal nila na dadaluhan ng kanilang mga kaibigan at miyembro ng kani-kanilang pamilya.

Bilang tugon na rin sa tanong ni Ricky kung kasama sa kasal ang mga "ex" ni Vic, sinabi ng aktor na hindi pero nandoon ang kaniyang mga anak at in-laws.

Tungkol sa wedding song,  hindi malinaw kung nagbibiro o seryoso si Vic na ang patutugtugin sa simbahan ang "Dessert" ni Dawin na madalas mapakinggan sa kalyeserye.

Sinabi rin ni Vic na ang mukha ang paborito niyang parte ng katawan ni Pauleen.

Dagdag pa ni Vic, patapos na ang ipinapagawa nilang dream house.

Tungkol sa pagkakaroon ng anak kay Pauleen, sinabi ni Vic na ipinapaubaya niya ito sa ipagkakaloob sa kanila ng Maykapal.

Samantala, hindi naman sinagot ni Vic ang tungkol sa mga prediction na magiging number one sa takilya sa Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikula na "My Bebe Love," kung saan kasama niya sina AiAi delas Alas at AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang alam daw ni Vic, marami ang nag-aabang na mapanood ito lalo na ang AlDub nation dahil ito unang pagtatambal nina Alden at Maine sa pelikula.

Nagbiro naman si Vic na sarili niya ang regalo niya kay Pauleen ngayong Pasko.

Samantala, wala na raw hinihiling na pansarili ngayong Pasko si Vic, at sa halip ay para na umano sa kaniyang pamilya at mga dabarkads. -- FRJ, GMA News