Ilang artista, sa abroad ang destinasyon para magbakasyon
Sa ibang bansa pinili ng ibang artista na samantalahin ang kanilang holiday vacation kasama ang mga mahal sa buhay at kaibigan.
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing sa Amerika nagtungo sina Louise delos Reyes at Rufa Mae Quinto.
Si Louise, todo ang pag-explore sa California at flaming red ngayon ang kulay ng buhok sa pagsalubong ng New Year.
Quality time naman kasama ang mga kamag-anak sa California ang ginawa ni Rufa Mae, at doon din ito nag-celebrate ng Pasko.
Balik-Canada naman ang family ng hot momma na si Ina Raymundo, at nag-enjoy ang kaniyang mga anak sa white Christmas doon.
Nasa Argentina naman si Solenn Heusaff, ang home country ng kanyang fiancé na si Nico Bolzico.
Kasama ni Solenn sa bakasyon ang mga magulang at ilang kaibigan.
Ang Kapuso comedian na si Michael V, sa Australia at New Zealand ang destinasyon.
Kasama naman ni Paolo Ballesteros sa Dubai ang kaniyang lovely daughter kung saan sumakay pa sila ng camel.
Sa Japan naman nagtungo ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Francis Escudero, at mga anak nito.
Nasa Japan din ang designer na si Rajo Laurel, at mga kaibigang sina Tim Yap at Rob Carmona.
Una nang naiulat na sa Japan din nagtungo ang Dubsmash Queen na si Maine "Yaya Dub" Mendoza kasama ang kaniyang pamilya. -- FRJ, GMA News