ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

‘Eat Bulaga!’ Dabarkads show strong support for Vic Sotto and Pauleen Luna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naganap nitong Sabado, January 30, ang pinakahihintay na kasal nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, at kabilang nga sa mga nagpakita ng kanilang suporta at pagmamahal ang mga kasamahan nila sa "Eat Bulaga!"

Kabilang sa wedding entourage sina Ruby Rodriguez bilang Matron of Honor, TAPE Inc. President and COO Tony Tuviera, Tito Sotto at Joey de Leon bilang principal sponsors, Anjo Yllana, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros bilang groomsmen, at Ryzza Mae Dizon bilang Flower Girl.

Dumalo rin sa kasal sina Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Maine Mendoza, Alden Richards, Patricia Tumulak, Sam YG, Bae-by Baste, Michael V., at marami pang iba.

 

DABARKADS :D#MrAndMrsSotto

Posted by Eat Bulaga on Saturday, January 30, 2016

 

Matapos ang kasal, naghandog pa ng awitin ang JoWaPao para sa pinakabagong Mr. and Mrs. Sotto.

Kabilang sa mga inawit nina Jose, Wally, at Paolo ang "Ikaw Lang Ang Mamahalin."

Halos limang taon ang inabot ng relasyon nina Vic at Pauleen bago sila mag-desisyon na magpakasal ngayong taong 2016.

Matapos ang kanilang kasal, sandaling magpapahinga ang dalawa mula sa kanilang showbiz projects upang makapag-honeymoon sa Maldives.

 
Mr And Mrs Sotto

Ikaw Lang Ang Mamahalin - JoWaPao :D#MrAndMrsSotto

Posted by Eat Bulaga on Saturday, January 30, 2016

 

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News