ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
'Faceboo-gaw'

 4 na babae na ibinubugaw daw sa Facebook, nasagip


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Apat na babae na ibinubugaw umano sa pamamagitan ng Facebook ang nasagip ng mga awtoridad sa Maynila. Ang mga biktima, inakalang party lang daw ang kanilang pupuntahan.

Sa ulat ni Isay Reyes sa GMA News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nasagip ang apat na babae dakong 2:00 am sa entrapment operation na isinagawa ng pinagsanib ng puwersa ng Inter-Agency Council Against Trafficking at Manila Police District.

Dalawang babae naman ang inaresto na nakatransaksyon ng mga operatiba na nagpanggap na kliyente sa pamamagitan ng Facebook.

Ayon sa pulisya, nakausap ng ahente ang mga suspek na itinago sa pangalang Lani at Rose, at sinasabing mayroon silang mga babae na pwedeng magbigay ng serbisyo sa halagang P4,000.

Nang matanggap na umano ng mga suspek ang pera, doon na sila inaresto at nasagip ang apat na babae.

Itinanggi naman ng dalawang suspek ang paratang laban sa kanila at iginigiit na biktima rin lang sila.

Sinabi naman ng apat na babaeng nasagip na hindi nila naiisip na biktima sila dahil maayos naman daw ang lagay nila bago mangyari ang operasyon.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-human trafficking ang dalawang sinasabing suspek. -- FRJ, GMA News