ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

GMA News reporter Raffy Tima directs aerial drone shots for #ALDUBValentinesDate


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Marami ang kinilig sa Valentine's Date ng phenomenal Kalyeserye loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub nitong Sabado.

Nag-road trip ang dalawa papuntang Tagaytay sa kauna-unahang pagkakataon nang hindi kasama ang mga Lola.

Nakarating ang dalawa sa magandang view ng nasabign siyudad para doon mag-date ngayong Araw ng mga Puso.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, kabilang ang GMA News reporter na si Raffy Tima sa pagkuha ng mga nakakakilig na eksena na napanood ng Dabarkads at AlDub Nation noong Sabado.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso news anchor ang ilan sa mga aerial drone shots na kaniyang kinunan para sa #ALDUBValentinesDate.

"Had a hard time keeping up with this couple. Hardly scripted, pre-arranged blockings out the window, electronic interference, under the tree scenes, a challenging shoot to say the least," aniya.

Dagdag pa ni Raffy, "But it was so much fun! @mainedcm and @aldenrichards02 were great!"

 

 

 

 

Nagpasalamat rin si Raffy sa pagtitiwala sa kaniya ng "Eat Bulaga!" upang kunan ang mahalagang okasyon na ito para sa AlDub loveteam.

Ito ang kauna-unahang Valentine's Day na naipagdiwang nina Maine at Alden nang magkasama.

Ayon sa GMA News reporter, "@eatbulaga1979 staff and crew are the best. Salamat po sa tiwala. Thank you @EatBulaga for making me part of it."

— Bianco Rose Dabu/DVM, GMA News