ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sumukong suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Sta Rosa, Laguna, tugma raw sa CCTV footage


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang isa sa dalawang lalaking suspek sa brutal na pagpatay sa mag-inang minartilyo at pinagnakawan sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna noong Marso 2.

Sa inisyal na ulat ng GMA News TV's SONA, sinabing naganap ang pagsuko ng suspek sa mga barangay official sa Cupang, Muntinglupa City nitong Biyernes ng hapon.

Matapos isailalim sa medical check-up, dinala na ang suspek na hindi umano pinangalanan sa Laguna.

Ayon sa mga awtoridad, tugma ang hitsura ng lalaki sa dalawang suspek na nakunan sa closed-circuit-television camera.

Pero wala umanong binanggit ang mga awtoridad kung inamin nito ang partisipasyon sa krimen.

Naghihintay pa raw ng abogado ang suspek.

Nagsasagawa na raw ng follow-up operation ang mga awtoridad sa isa pang suspek.-- FRJ, GMA News