'Pilipinas 911,' roronda sa 'Pinoy MD'


Kanin na hinaluan ng manok o kaya seafood at gulay, pinasarap pa ng spices at matiyagang nilululuto... talaga namang nakatatakam kumain ng paella!
Katunayan, ang ating Pinoy MD host na si Connie Sison, tinikman ang authentic version nito nang pumunta sa Spain kamakailan. Kung wala pa sa budget ang ganitong biyahe, may mga lugar dito sa atin na nagse-serve ng mga patok na paella versions, at take note, healthy pa!
Tuwing summer, masayang makipag-bonding sa pamilya at mag-swimming! Kung gustong pumunta sa resort na may pools na, may ibang activities pa... may rekomendasyon ang Pinoy na hindi sobrang layo sa Metro Manila.
_2016_04_01_16_28_18.jpg)
_2016_04_01_16_28_40.jpg)
Ang mga outdoor sport na rowing at cycling, nakabubuting gawin para sa katawan. Cardio exercise kasi ang mga ito at nakapagpapalakas pa ng mga braso at binti. Kung ’di niyo masyadong type na mag-rowing at cycling sa labas dahil sa tindi ng init ngayon, mayroong rekomendasyon ang Pinoy MD ngayong Sabado ng umaga.

Kapag may biglang nagkaroon ng karamdaman o kaya’y aksidente, importante na agad na matugunan ang pangangailangan ng taong apektado. Bago pa man mangyari ito sa atin, mahalaga na may alam tayong matatawagang grupo eksperto sa isang emergency situations na agad na reresponde. Alamain ang mga impormasyon ukol dito sa report ni Connie Sison.
Sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang maghahatid ng mga tip at iba pang impormasyon pagdating sa kalusugan. Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.