ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart beats Rhian in Lip Sync Battle Philippines


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinatunayan nina Heart Evangelista at Rhian Ramos na wala munang kaibi-kaibigan pagdating sa labanan sa inaabangang programa ng GMA tuwing Sabado ng gabi na, "Lip Sync Battle Philippines."

Sa unang round pa lang, buong pusong bumirit si Heart na may kasamang nginig sa awitin ng Aegis na, "Halik."



Ipinakita naman ni Rhian ang kaniyang lip sync rapping skills sa pagsabay sa awiting 'Lord, Patawad ni Bassilyo.

 

 

Sa ikalawang round, unang sumalang si Rhian sa kaniyang buwis-buhay na performance sa awiting "Total Eclipse of the Heart," ni Bonnie Tyler.


May guest performer pa si Rhian sa katauhan ng Pambansang Bading si Diego.

 

 

Kung buwis-buhay ang ginawa ni Rhian sa round two, glamorous at fabulous naman ang dating ni Heart sa pagsabay sa awiting "Vogue" ng Queen of Pop na si Madonna.

 

 

At pagsapit ng botohan ng studio audience, namayani ang palakpakan at hiyawan na mas malakas para itanghal na panalo si Heart.

 

 

-- FRJ, GMA News