Siyensiya ng slow motion, tutuklasin sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, May 1
8:15 AM sa GMA-7
Paano kaya natututo ang mga aso ng iba’t ibang tricks at commands na itinuturo ng mga tao? Aalamin ‘yan ni ka-AHAng Arianne Bautista na dumalo sa isang bonggang pet festival sa Cebu kung saan nagtagisan ng galing ang mga aso, rumampa sa isang fashion show, at kung ano-ano pa.


Nakapanood na ba kayo ng video in slow motion? Alamin ang siyensiya sa likod ng AHA-mazing paandar na ito at kung paano kaya nito napapabagal ang paggalaw ng isang eksena, lalo na ‘yung masyadong mabibilis gaya ng pagtalon at pag-backflip sa swimming pool o pag-ikot ng blades ng isang blender.


Kamakailan, sa Tsukuba, Japan, nilaunch na sa space ang kauna-unahang Pinoy-made micro-satellite na kung tawagin ay ‘Diwata 1.’ Alamin ang importanteng misyon nito at ang iba pang balitang-outer space sa ‘AHA-Lam Ba News?’

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.