ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

4 na bata, kasama sa 7 katao na nasawi sa sunog sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pito katao, kabilang ang apat na bata ang nasawi sa sunog na umabot sa dalawang barangay sa Cebu City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na mag-asawang Maximo at Mariz Villafuerte, at ang kanilang tatlong-taong-gulang na apo na si Janna. Patay din si Cindy Jane Galvan, 20, at ang mga anak niyang sina Ricken, 4 at Star, 3; at isang sanggol na tatlong-linggong-gulang na si Rain Cinrick.

Naganap umano ang sunog dakong 4:44 a.m., sa Sitios Tumoy at Riverside sa Barangay Pahina Central at Sitio Buwaran sa Barangay Nicolas Proper.

Dakong 6:00 a.m. nang ideklara ng mga bumbero na kontrolado na ang apoy.

Nasa 82 kabahayan ang natupok ng apoy at 120 pamilya ang naapektuhan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng natumbang lampara o kandila umano ang sanhi ng sunog. -- FRJ, GMA News

Tags: fireincident