ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang aerial adventures, tampok sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

AHA!
May 15 , 2016

 

 


Pangarap n’yo rin bang lumangoy na gaya ng isang sirena? Samahan natin si ka-AHAng Arianne Bautista sa Cebu kung saan susubukan niya ang isang kakaibang mermaid swimming lesson na hindi ginagawa sa swimming pool kundi sa dagat mismo para kasabay mo ang mga isda sa paglangoy at mas feel na feel daw ang pagiging sirena.

 


Paano nga ba nasasala at nalilinis ng isang water filtration system ang tubig para mas ligtas itong inumin at magamit ng isang lugar? Samahan natin ang ka-AHAng si Sef Cadayona sa Norzagaray, Bulacan kung saan bibigyan ng isang solar-powered water filtration system ang mga ka-AHA natin mula sa tribo ng mga Dumagat.

 

 


Tinanggap ng ka-AHA nating si Patani ang hamon ng makapigil-hiningang aerial adventures gaya ng aerial walk, roller coaster zipline at free fall. Kayanin kaya niya? Alamin natin kung paano niya magiging kakampi ang siyensiya sa paggawa ng kaniyang up-in-the-air challenges.

 

 


Hindi lang daw iniinom ang kape. Puwede na rin itong gawing medium sa paggawa ng iba’t ibang obra. Kilalanin ang mga ka-AHA nating gumagamit ng kape, french fries, ketchup at iba pang kakaibang art medium sa paglikha ng kanilang AHA-mazing art!

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM  sa GMA-7.

Tags: aha, prstory, plug, plugs