ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagkakakuryente ng isang trabahador, nahuli-cam


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang construction worker nang madikit sa live wire ang hawak na bakal habang nagtatrabaho sa ginagawang bahay sa Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, makikita sa CCTV footage na may biglang nagliyab sa bubungan ng isang bahay sa Ba-ao, Camarines Sur.

Sa naturang pagliyab, nakuryente na pala ang manggagawang si Jerry Abol.

Nagtamo siya ng mga sugat at paso sa iba't ibang bahagi ng katawan at isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa kasamahan ni Abol, hindi gumamit ng pulley ang biktima para madala ang hinalong semento sa bubong ng ginagawang bahay.

Sa halip, gumamit daw iito ng mahabang bakal na dumikit sa mga kawad ng kuryente na dahilan ng kaniyang pagkakakuryente.

Nangako naman ang may-ari ng ginagawang bahay na sasagutin ang gastos sa pagpapalibing sa biktima. --  FRJ, GMA News