ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Megan Young, abala pa rin sa iba't ibang aktibidad ng Miss World Charities


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit natapos na ang reign ni Megan Young bilang Miss World, aktibo pa rin ang Kapuso star sa kaniyang tungkulin bilang ambassadress ng prestihiyosong beauty pageant.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago, sinabing kahit nagkaroon na ng mga bagong Miss World ay hindi pa rin nawawala sa listahan ng Miss World Charities ang pangalan ni Megan bilang isa sa pinaka-dependable  nilang title holder.

Patuloy pa ring tinutupad ng Kapuso beauty queen ang extension ng kanyang kontrata sa nabanggit na beauty pageant sa pamamagitan ng pagdalo sa mga event bilang kinatawan ng Miss World at pagho-host sa iba't ibang programa ng pageant.

"Kapag may activity sila, you know, they fly me out of the country and tuloy-tuloy pa rin yung charity work ko," ani Megan.

Sa susunod na buwan, aalis si Megan patungong ibang bansa para sa isang aktibidad na may kaugnayan dito. Pero bago umalis, magte-taping muna siya ng mga episode para sa bagong Sunday comedy show na "Conan, My Beautician."

Sobrang aliw na aliw daw si Megan sa mga kasama niyang komedyante tulad nina Cacai Bautista, Betong Sumaya, Boobsie Wonderland, Tetay at Gerald Napoles na puro magagaling magpatawa.

Hindi na rin daw nila kailangang mag-adjust ng katambal sa programa na si Mark Herras dahil sa simula pa lang ay maganda na ang kanilang relasyon bilang magkatrabaho na pinatutunayan din ni Mark.

"Hindi kami nagkaroon ng parang ilangan factor, hindi kami nag-adjust actually.Pagkasalang namin, pag-take, trabaho agad, walang problema," aniya. -- FRJ, GMA News