ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PREPARATIONS TEAM

Lahat clueless sa sasabihin ng Pangulo sa kanyang 1st SONA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang nakaaalam kung ano ang lalamanin ng kanyang kauna-unahang State of the Nation Address.

Ito ang ipinahayag nitong Huwebes ni incoming Finance spokesperson Atty. Paola Alvarez.

At kahit na ang team na inaatasang magprepara para sa SONA ay clueless din at sila umano ay nasa mode na "expecting the unexpected."  

"'Yan po talaga ang ugali niya (Duterte)," pahayag ni Alvarez sa panayam ni Kara David sa News To Go. Dagdag pa niya, hindi pa nagbigay sa kanila ang Pangulo ng kopya ng kanyang SONA speech.

"No one knows what he's going to say," aniya.

Ayon kay Alvarez, kahit sila man ay minsa'y nasa-shock nalang sa "inserts" ng Pangulo sa kanyang prepared speehes. Gaya umano nung talumpati niya na idinagdag ang mga pangalan ng limang matataas na opisyal ng police na umano'y protektor ng sindikato sa droga.

Malamang tututukan umano ng pangulo ang kanyang mga plano, puwera ang surpresang mga "insert."

"Of course, we work hand-in-hand with Malacañang, especially the Department of Finance. Kasi diyan po nagse-center ang kaniyang 10-point economic agenda."

Malamang din umanong bigyang-diin ni Duterte ang kanyang paninindagan sa usapin ng kriminalidad at korapsyon, pero hindi siya magbibigay ng masamang komento sa katatapos lamang na administrasyong Aquino.

"Nine out of 10 people already know the problems of the previous administration because now they see in [President] Duterte what they did not see before," ayon kay Alvarez, patungkol ito sa mataas na trust rating ng Pangulo sa survey ng Pulse Asia kamakailan.

"Right now, the President will be addressing what they want to hear, what we could do for them and not what they already know," dagdag niya. —LBG, GMA News