Rhea Santos at Pia Arcangel, bibida sa 'Tonight with Arnold Clavio'
_2016_08_31_14_42_09_0.jpg)
Ngayong Miyerkules, ang mga partner ni Igan Arnold Clavio sa pagbabalita ang ating makaka-kwentuhan - sina Ms. Rhea Santos na katambal niya sa Unang Balita at Ms. Pia Arcangel na partner naman niya sa Saksi!
Pak na pak ang mga bukuhang magaganap! Sasalang sina Rhea at Pia sa segment na “Insta-Truth” kung saan ibabahagi nila ang mga buong kwento sa likod ng mga picture na makikita sa kanilang social media accounts! Kumustahin na kaya sila bilang ina at asawa?
Lubos pa natin silang makikilala sa segment na "Usapang Pak Ganern” kung saan maririnig natin ang kanilang kuro-kuro sa mga simpleng paksa gaya ng ligawan, long distance relationship, Pokemon Go at kung ano-ano pa!
Hahamunin din sila ni igan maglaro ng Pak Ganern!, ang masayang game na viral ngayon sa internet. Sino kaya sa kanilang tatlo ang tatanghaling TWAC Pak Ganern Winner?
Asahan din ang walang humpay na tawanan sa pakulo ni igan na "Sino?" dahil imbes na sina Rhea at Pia ang manghuhula ng sagot sa mga itatanong ni Igan, si Igan ang sasagot sa mga tanong tungkol kina Rhea at Pia. Mahulaan kaya ni Igan kung sino sa kanilang dalawa ang brown belter sa Taekwondo? At kung sino ang binu-bully pala noon sa kanyang school?
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWACGanern. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio