Binatang may Hunter Syndrome, tampok sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row…
‘Ang Misyon ni Marvin”
Lunes, September 5, 2016
Pagkatapos ng Saksi sa GMA

Dalawampu’t isang taong gulang na si Marvin Nucum Jr., pero hindi na siya tumangkad, maliit at baluktot ang kanyang mga kamay… hirap din siyang huminga at mahina ang pandinig.

Bunso siya sa apat na magkakapatid at nang isilang ay tila ba isang normal na bata. Habang nadadagdagan ang kanyang edad, napansin ng kanyang ina na tila may espesyal siyang kondisyon. Isang karamdamang hanggang sa ngayon ay hindi pa nila nakumpirma at naipatingin sa doktor.

Pero hindi naging hadlang ang pisikal at iba pang nararamdaman ni Marvin para patuloy na lumaban sa buhay. Masipag at maaasahan siya sa mga gawaing bahay. Nakahiligang mag-edit ng video at higit sa lahat, aktibo siyang miyembro ng isang simbahan at patuloy din siyang nagtuturo ng salita ng Diyos sa mga bata at kapitbahay.
Alamin ang natatanging “Misyon ni Marvin” sa Front Row, September 5, 2016, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!