ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Inday Sara, inaming nagtalo sila ng amang si Duterte nang palitan niya ang pinuno ng TF Davao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang pagtitipon nitong Huwebes na sinabihan niya ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbitiw bilang alkalde ng lungsod bunga ng kaniyang desisyon na palitan ang pinuno ng Task Force Davao kasunod ng nangyaring pagsabog sa night market noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, inamin ni Sara na hindi pabor ang kaniyang ama sa desisyon niyang alisin si Colonel Henry Robinson bilang pinuno ng Task Force Davao, at ipinalit niya si Colonel Erwin Neri.

Plano rin daw ng alkalde na palitan ang hepe ng Davao City police na si Senior Superintendent Michael John Dubria dahil sa naganap sa pagsabog na nagresulta sa pagkakasawi ng 14 katao at mahigit 60 iba pa ang nasugatan.

"Here comes Digong (Pres. Duterte), nagbubunganga na naman. Nag-text din siya, maraming sinasabi... and then I answered him," saad ni Sara sa kaniyang talumpati turnover ceremonies sa military task force.

Dagdag ng alkalde, ayaw pa siyang kausapin nang direkta ng kaniyang ama at ipinapadaan ang komunikasyon nila kay presidential aide Christopher "Bong" Go.

"Pinasa niya ang text kay Bong Go. Sabi ko, 'Bong kayo pa ba ang mayor o ako na?' Kasi willing akong pabayaan kayo as in right at this very moment," kuwento ng alkalde.

"I'm very willing to resign. I think it was 6 a.m., Saturday morning. Nag-give way. Tumahimik... tapos kumanta siya, 'How can I live without you?'" dagdag niya.

Ayon kay Sara, hindi pa niya personal na nasasabi sa ama na wala na ang dalawa sa triplet na kaniyang ipinagbubuntis.

Kasalukuyang nasa labas ng bansa ang nakatatandang Duterte na dumalo sa ASEAN Summit na idinaos sa Laos, at bibisita rin siya Indonesia.—FRJ, GMA News