Joey de Leon, sinorpresa nina Tito at Vic Sotto sa kaniyang birthday celebration sa Macau
Sa Macau napili ni Joey De Leon na ipagdiwang ang kaniyang 70th birthday at hindi siyempre mawawala ang kaniyang mga kaibigan na sina Bossing Vic at Sen. Tito Sotto, na may sorpresa sa kaniya.
Kasama ni Joey na nagtungo sa Macau ang kaniyang kabiyak na si Eileen at mga anak na sina Keempee, Cheenee, Jako, Jocas at Jio.
Sa Instagram account ni Jio, ipinost nito ang video sa ginawang sorpresang pagbati ng pamilya sa "Eat Bulaga" host na si Joey habang nasa higaan sa tinutuluyan nilang hotel.
Pahinga rin muna sa "Eat Bulaga" sina Sen Tito at Vic para lumipad sa Macau para sorpresahin ang kanilang kaibigang si Joey.
Ang video sa pagkakakita ni Joey kina Vic at Tito sa Macau ay ipinost ni Jocas sa kaniyang Twitter account.
Surprise!!! ???? #andtheresmore #TVJ #completeattendance ?????? pic.twitter.com/KEqlY03ZXK
— Jocas de Leon (@jocasdeleon) October 14, 2016
Sa Instagram account ni Joey, makikita sa kaniyang post kung gaano niya na-enjoy ang kaniyang birthday at vacation sa Macau.
-- FRJ, GMA News