ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Add GMA on Google
Roxanne Barcelo gushes over goddaughter Baby Zia
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong nakaraang linggo lamang, nagkaroon ng pagkakataong makapag-bonding ang mag-ninang na sina Roxanne Barcelo at Baby Maria Letizia.
Kasama ni Roxanne ang hands-on mom at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pag-aalaga kay Zia nang dumalo ito sa first birthday party ni Lucia, ang anak nina Bianca Gonzales at JC Intal.
“Look at this enchanting fairy princess! So happy to finally be able to spend time with my god daughter Baby Zia... Charlie is such a great mom,” ayon kay Roxanne.
Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ng proud ninang kung gaano kabait at kabibo ang kaniyang inaanak na si Zia.
Kuwento niya, “Baby Zia is such an active and happy baby! Super attentive ng inaanak ko when we were at the children's party earlier... She didn't cry at all and was interacting with other babies and even adults.She loved seeing balloons and toys around her... Super proud Ninang ako. Thanks Charlie for letting me have QT with this cutie.”
Maliban sa pagdalo ng birthday parties at pagsama sa mga lakad ng kaniyang mga magulang, sa loob man o labas ng bansa, abala rin si Baby Zia sa kaniyang pagpasok sa play school.
“About music lang naman, mingling sa ibang mga bata. Halimbawa, 'Sounds like a bird, tapos ipapakita 'yung book ng bird, then 'It’s a bird!' Tapos, 'Tweet, tweet.'” ayon kay Marian.
Dagdag pa niya, “Lahat naman ng bata ngayon, nagga-ganun na. Nakikipag-socialize na para siyempre yung development nila bilang bata. Ayoko naman na kapag nilalabas ko siya, takot siya sa tao. Gusto ko namang ma-develop ang personality niya.”
Balak rin daw ni Marian at ng kaniyang asawa at “Alyas Robin Hood” star na si Dingdong Dantes na i-enroll ang kanilang anak sa swimming at piano lessons pagkatapos na unang kaarawan nito sa November 23. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular