ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

$24B mula China, maiuuwi ni Pangulong Duterte —DTI chief


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malamang na masungkit ng Pilipinas ang kabuuang $24-billion investment at pautang bunga ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez nitong Biyernes.

"Iyong bagong number na nabubuo ngayon, in terms of investments and credit facilities opened, $24 billion –$15 billion para sa investments at $9 billion will be in the form of credit facilities," ayon kay Lopez na kabilang sa delegasyon ng Pilipinas sa China.

"[Ang] private-to-private, iyon ang $15 billion. And about $4 billion are MOUs [memoranda of understanding] to be signed later today," dagdag ni Lopez.

Makikinabang sa inaasahang pondo ang ilang mga sektor, kabilang na ang agrikultura, enerhiya (renewable), turismo, food at manufacturing, telecommunications, at imprastraktura.

Nangangahulugan ito ng karagdagang dalawang milyong trabaho sa Pilipinas.

"Estimate lang, roughly two million. Roughly over two million over five years," pahayag ni Lopez.

Inaasahan din umanong maglalaan ang Bank of China ng $3 billion na pautang par sa pagnenegosyo, kabilang na ang micro, small, medium enterprises. —LBG, GMA News