ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ethel Booba meets Rufa Mae Quinto part 2 sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Miyerkules, mapapanood n'yo na ang ikalawang parte ng special episode ng Tonight with Arnold Clavio kasama ang dalawang sexy comedienne na sina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto!

Sa ikalawang bugso ng chikahan, alamin ang kwento sa likod ng tila religious at inspirational posts ni Ethel, at mga paghahanda ni Rufa Mae sa nalalapit niyang pagpapakasal at panganganak.

Todo na o Charot? Yan naman ang itatanong kina Ethel at Rufa Mae tungkol sa mga paniniwala nila sa iba’-ibang isyu gaya ng pagkakaroon ng mas batang karelasyon, cosmetic surgery, “public display of affection” at marami pang iba!

At ang pinaka-inaabangan ng kanilang fans --- tiyak na sasakit ang tiyan n'yo sa kakatawa sa isang challenge kung saan magpapagalingan sa English translation ang dalawa nating bisita. 

Tiyak na mas riot ang inyong Miyerkules ng gabi mga igan sa TWAC!

I-follow ang @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC6! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio.