ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bakit 'di makakasama ni Mikael Daez sa Nepal si Megan Young?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa bansang Nepal magpapasko at sasalubungin ni Mikael Daez ang 2017. Pero bakit kaya hindi niya makakasama ang kaniyang favorite travel buddy na si Megan Young?

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas, sinabing kakaibang Christmas at New Year vacation ang naiplano ni Mikael daez. 

Sa halip kasi na sa beach o sa lungsod magbakasyon ngayong holiday season, sa exotic part of the world na Nepal pupunta si Mikael para sa isang kakaibang cultural experience kasama ang kanyang kapatid.

Ayon sa aktor, ang kaniyang kuya ang nakaisip at pumili na sa Nepal sila magpunta.

Pero kung sa mga nakaraang Instagram post ng kaniyang mga biyahe ay makikitang kasama niya ang kapwa Kapuso star na si Megan, sa pagkakataong ito ay hindi niya makakasama sa Nepal ang kaniyang favorite travel buddy.

Ayon kay Mikael, inimbitahan niya si Megan na sumama sa Nepal pero hindi ito maaaring lumabas ng bansa dahil sa kaniyang primetime series na "Alyas Robin Hood," na pinagbibidahan din nina Andrea Torres at Dingdong Dantes.

Samantala, labis din ang pasasalamat ni Mikael sa pagtangkilik ng kinabibilangan niyang primetime series na "Someone To Watch Over Me."

Kahit daw sa bandang huli na ng serye pumasok ang kaniyang karakter, sinabi ni Mikael na dama pa rin niya ang pagmamahal ng mga Kapuso sa kanilang programa. -- FRJ, GMA News